Map Graph

Estasyon ng Bocaue

Ang estasyong daangbakal ng Bocaue ay isang dating estasyong daangbakal na matatagpuan sa Linyang Pahilaga (Northrail). Ang linyang ito ay ginamit mula noon para sa transportasyong pampasahero at pangkargamento ng Pambansang Daambakal ng Pilipinas (PNR) at mga tagapauna nito sa nakaraan. Matatagpuan ito mga isang kilometro hilaga ng kabayanan ng Bocaue. Sinasabi na papalitan ito ng isang bagong estasyon bilang bunga ng proyektong Northrail, ang muling pagtatayo ng linya mula Maynila hanggang Pampanga na kalahating gagamit ng lumang right-of-way. Sinimula ang proyekto noong 2007, bagaman nahinto ang pagtatayo magmula noong 2011. Ang proyektong hindi pinamahalaan nang maayos ay maaaring matuloy pagkaraan ng muling negosasyon, maaari sa ibang anyo.

Read article